Rape slay case sa Cebu, kinondena ni Senator Risa Hontiveros

By Jan Escosio March 13, 2019 - 09:20 AM

Mariin ang pagkondena ni Senator Risa Hontiveros sa pagpatay at panggagahasa sa isang junior high school student sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Ayon kay Hontiveros ang sinapit ng 16-anyos na si Cristine Silawan ay hindi makatao at ito ay maituturing na pag-atake sa buong kababaihan.

Hinahamon ng senadora ang awtoridad na agad bigyan hustisya ang dalagita sa pamamagitan ng agad na pagkilala at pag-aresto sa salarin.

Huling nakitang buhay ang biktima sa pagsisilbi nito sa misa sa isang simbahan noong araw ng Linggo at kinabukasan ay natagpuan ang bangkay nito, tadtad ng saksak sa katawan, ginilitan sa leeg at binalatan pa ang mukha.

TAGS: isang junior high school student, Lapu-Lapu City sa Cebu., Rape Slay Case sa Cebu, Senator Risa Hontiveros, isang junior high school student, Lapu-Lapu City sa Cebu., Rape Slay Case sa Cebu, Senator Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.