Hindi pagkakasundo ng Kongreso sa 2019 national budget hindi na kailangan umakyat sa SC – Malakanyang

By Chona Yu March 13, 2019 - 09:13 AM

Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na hindi na aakyat sa kataas-taasang hukuman ang sigalot ng dalawang kapulungan ng kongreso ukol sa 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maaari namang resolbahin ng mga mambabatas ang naturang problema sa kanilang hanay lamang at hindi na kailangan na dumulog sa Korte Suprema.

Totoo ayon kay Panelo na ang Korte Suprema ang itinuturing na final arbiter kapag may legal na usapin na hindi naaayos pero hindi aniya nila nakikita ang senaryong idudulog ng upper at lower chamber ang budget issue sa SC.

Matatandaang ipinatawag kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinatawan ng Kamara at Senado para plantsahin ang budget.

Sa pahayag ni Senate President Tito Sotto, sinabi nitong sumang ayon na ang Kamara na sundin ang ratified version ng budget ng bicameral conference committee.

TAGS: 2019 national budget, budget issue, lower chamber, Presidential spokesman Salvador Panelo, SC, upper, 2019 national budget, budget issue, lower chamber, Presidential spokesman Salvador Panelo, SC, upper

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.