Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-3:05 kaninang madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 25 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Cortes.
May lalim ang pagyanig na 11 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at hindi rin inaasahan ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.