Manila Water naglinaw: El Niño hindi lang dapat sisihin sa water shortage

By Rhommel Balasbas March 13, 2019 - 02:44 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Nilinaw ng Manila Water na hindi lamang ang tagtuyot ang dahilan ng water shortage na nararanasan ngayon sa East Zone ng Metro Manila.

Sa press conference araw ng Martes, sinabi ni Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio na may bahagi ang El Niño sa kakulangan ng tubig dahil walang halos naging pag-ulan.

Pero paliwanag ng opisyal, mas malaking sanhi ng problema ang mataas na demand at mababang suplay sa tubig.

Ang tubig sa Metro Manila ay halos nanggagaling sa Angat Dam kung saan nakakukuha ang Maynilad ng 60 percent ng raw water allocation o 2.4 billion liters per day habang 40 percent o 1.6 billion liters per day naman ang nakukuha ng Manila Water.

Ito ang concession agreement simula pa taong 1997.

Ang Maynilad ay hindi apektado ng water shortage dahil bukod sa Angat Dam ay nakakakuha rin ito ng suplay ng tubig sa Laguna Lake at deep wells.

Gayunman, dahil sa tumataas na service connections at demands, mayroon nang 140 million liters a day na average deficit ang Manila Water.

Mula taong 2016 ay umasa na ang Manila Water sa buffer supply ng La Mesa Dam para tugunan ang deficit.

Gayunman, naabot na ng La Mesa Dam ang pinakamababang antas ng tubig sa loob ng 12 taon at hindi na pwedeng umasa pa ang Manila Water sa naturang dam.

Sinabi ni Carpio na nagkaroon na rin sila ng projection na tataas ang demand ngunit nagkaroon naman ng delays sa kanilang water infrastructure projects.

Kung nabuo lamang sa takdang oras ang treatment plant sa Cardona, Rizal ay hindi sana magkakaroon ng water shortage ayon kay Carpio.

Kaya sana umano nitong magbigay ng 100 million liters ng tubig kada araw.

Nagkaroon anya ng technical issues ang kanilang contractor dahilan para mabalam ang proyekto.

Samantala hinihintay din umanong matapos ang kontrobersyal na Kaliwa Dam na makapagbibigay ng karagdagang 600 million liters a day ng tubig sa Metro Manila.

TAGS: Angat Dam, buffer supply, concession agreement, East Zone, El Niño, kaliwa dam, la mesa dam, manila water, Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio, maynilad, tagtuyot, treatment plant, Water allocation, water infrastructure projects, water shortage, Angat Dam, buffer supply, concession agreement, East Zone, El Niño, kaliwa dam, la mesa dam, manila water, Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio, maynilad, tagtuyot, treatment plant, Water allocation, water infrastructure projects, water shortage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.