Pondo ng gobyerno pinagagamit ni Sen. Sonny Angara kontra El Niño

By Jan Escosio March 12, 2019 - 12:41 PM

Hinihimok ni Senator Sonny Angara na agad nang buhusan ng tulong ang mga magsasaka na lubha ng apektado ng tagtuyot na idinudulot ng El Niño.

Ayon kay Angara dapat ay gamitin na ang pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno para matiyak ang seguridad ng pagkain para sa mga Filipino at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sinabi nito na may P20 billion Calamity Fund na maaring gamitin gayundin ang pondo ng National Irrigation Administration na P36 bilyon, ang paunang P10 bilyong pondo ng naipasang Rice Tarrification Law at ang pondo ng DSWD.

Dagdag pa ni Angara, maaring buhusan ng pondo ang sistema ng irigasyon sa mga taniman at kuhanin na mga manggagawa ang mga magsasaka para may dagdag kita sila sa gawain na sila rin ang makikinabang.

TAGS: El Niño, Radyo Inquirer, sonny angara, Summer Season, El Niño, Radyo Inquirer, sonny angara, Summer Season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.