Muling nagbuga ng steam ang Mt. Kanlaon sa Negros ngayong araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 50 meters ang taas ng ibinugang steam ng bulkan.
Bago ang pagbuga ng steam, tatlong volcanic quakes muna ang naitala ng ahensya.
Una nang inilagay sa alert level 1 ang bulkan matapos magpakita ng aktibidad nitong nakaraang linggo.
Patuloy na inaabisuhan ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng bulkang Kanlaon na iwasang pumasok sa loob ng 4-kilometer permanent danger zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.