Rep. Crisologo: Replanning dapat gawin para mapaganda ang QCMC

By Rhommel Balasbas March 12, 2019 - 08:43 AM

Naniniwala si Quezon City First District Representative Vincent “Bingbong” Crisologo na dapat nang magtayo ng auditorium sa Quezon City Memorial Circle (QCMC).

Isa ito sa mga plano na gustong ipatupad ng mambabatas na tumatakbo rin bilang alkalde ng lungsod.

Sa ‘Kapihan sa QC’, sinabi ni Crisologo na tanging ang QC na lamang ang walang airconditioned multi-purpose center na pwedeng gawing basketball court.

“My plan is to build (an) auditorium there, tayo na lang walang auditorium. Airconditioned na multi-purpose na pwedeng basketball court, lahat meron na,” ani Crisologo.

Naniniwala ang kongresista na kailangan lang na magsagawa ng ‘replanning’ para mapaganda ang QCMC.

“It’s a big space ano, kulang lang sa planning. Kasi ang nangyari noon, may maisipan sila tayo rito, may maisipan sila tayo roon. There is no general planning. So I think we should replan the circle,” dagdag ng mambabatas.

Nangako naman si Crisologo na magiging patas ang pagrerenta sa QCMC sa gitna ng isyung mataas ang renta ng mga umuupa dito.

TAGS: Bingbong Crisologo, QCMC, quezon city, replanning, Bingbong Crisologo, QCMC, quezon city, replanning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.