Maynilad, magbabahagi ng suplay sa Manila Water
Upang matugunan ang problema sa kakulangan sa tubig, pumayag ang Maynilad na magbahagi ng kanilang water supply sa Manila Water.
Sa gitna ito ng nararanasang shortage sa tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
Sa isang panayam, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Reynaldo Velasco na nagkasundo ang dalawang water concessionaires na magbahaginan ng kanilang resources.
Ani Velasco, nakatakdang magpahiram ng 50 million liters per day ang Maynilad sa Manila Water.
Kinumpirma na ito ng pinuno ng Water Supply Operations ng Maynilad na si Engr. Ronald Padua.
Ang 50 million liters ng tubig kada araw ay kaya anyang mag-accommodate ng 50,000 kabahayan sa loob ng 24 oras.
Samantala, tiniyak ni Padua na kahit nagbabahagi ang Maynilad ng tubig sa Manila Water ay hindi magkukulang ang kanilang suplay para sa kanilang customers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.