Net satisfaction rating ng Duterte admin tumaas ng 16 points sa Q4 ng 2018 ayon sa SWS
Tumaas ng 16 points ang net satisfaction rating ng administrasyong Duterte, batay sa fourth quarter 2018 survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas sa survey na 76 porsyento ng mga Filipino ang “satisfied” sa performance ng national administration, siyam na porsyento ang “dissatisfied” habang 15 porsyento naman ang undecided.
Dahil dito, umabot na ang net satisfaction rating ng kasalukuyang administrasyon sa +66 o “very good” mula sa dating +50 rating noong September 2018.
Batay pa sa survey, “excellent” ang dalawa sa 17 performance subjects partikular ang pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan sa +71 rating at pagsasaayos ng kalsada sa +70 rating.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,440 Filipino adults mula December 16 hanggang 19 taong 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.