Duterte: Hindi ko pipirmahan ang budget kung may iligal na laman ito

By Chona Yu March 11, 2019 - 08:04 PM

Inquirer file photo

Umaasa ang Malacañang na hindi aabot hanggang sa buwan ng Agosto ang reenacted budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang pag-uusap ngayon ang Kamara at Senado para plantasahin ang gusot sa budget.

Una rito, sinabi ni Senador Ping Lacson na naglaan si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ng P95 Billion na pondo para sa infrastructure project ng kanyang mga kaalyado.

Ayon kay Panelo, maari rin namang kausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang liderato ng kongreso para tapusin na ang gusot.

Tiniyak naman ni Panelo na bubusisiin nang husto ni Pangulong Duterte ang budget kapag dumating na sa kanyang lamesa.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na hindi niya lalagdaan ang pambansang budget kapag may nakita siyang iregularidad dito.

TAGS: 2019 budget, Arroyo, duterte, insertion, lacson, panelo, 2019 budget, Arroyo, duterte, insertion, lacson, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.