Jollibee target ang mas maraming branches sa Hong Kong at Macau

By Den Macaranas March 11, 2019 - 06:27 PM

Inquirer file photo

Sa loob lamang ng nakalipas na 18 buwan ay patuloy ang pagdami ng Jollibee branches sa Hong Kong.

Ito ang inulat ng Jollibee Foods Corporation (JFC) kasabay ng paghahanda sa pagdaragdag pa ng mga sangay sa ibang bansa.

Sinabi ng JFC na naging matagumpay ang kanilang partnership sa Meko enterprises Ltd at Mega JollyWorld International Ltd at target nila magtayo pa ng dagdag na mga branches sa Hong Kong sa susunod na mga buwan.

Sa susunod na limang taon ay target ng JFC na makapagtayo ng 50 branches sa Hong Kong at Macau.

Bukod sa nasabing mga lugar ay nasa plano na rin ng JFC ang pagtatayo ng iba pang mga Jollibee stores sa mga bansang maraming Overseas Filipino Workers (OFWs).

Prayoridad rin ng JFC ang pagkuha ng mga Pinoy crew para sa mga itatayong Jollibee branches sa abroad.

“As we grow our business, it is so rewarding to see more and more people uplifted as they gain jobs and increase their income. These jobs not only help the workers themselves, but also their families and the local economy as well”, ayon kay Ernesto Tanmantiong, CEO ng Jollibee Foods Corporation.

Samantala, kamakailan lang ay itinanghal ng South China Morning Post  ang “Chickenjoy” ng Jollibee bilang best fried chicken sa Hong Kong.

TAGS: BUsiness, chickenjoy, ernesto tanmationg, Hongkong, jollibee, macau, BUsiness, chickenjoy, ernesto tanmationg, Hongkong, jollibee, macau

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.