Tulfo dinepensahan ng Malacañang sa pagtawag na tamad sa mga Pinoy
Ipinagtanggol ng Malacañang si special envoy to China Ramon Tulfo matapos ihayag na tamad ang mga Pilipinong manggagawa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi personal na opinyon ni Tulfo na tamad ang mga Pinoy workers kundi pahayag ng kanilang mga developer at employer na Chinese.
Wala namang nakikitang rason ang Malacañang na disiplinahin si Tulfo dahil bahagi ito ng freedom of expression.
Dapat din aniyang mag-isip isip na rin ang mga Pinoy workers na baguhin ang naturang pag-uugali.
Pero bwelo ni Panelo, hindi tamang lahatin ang mga Pinoy workers.
Katunayan, malinaw na ang imahe ng mga Pinoy workers sa buong mundo ay pawang mga masisipag.
Kumpiyansa rin si Panelo na hindi makaapekto sa mga manggagawang Filipino ang pahayag ni Tulfo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.