91-anyos na war veteran sa Davao Del Sur nakuhanan ng armas

By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 11:09 AM

Nakumpisma mula sa 91-anyos na war veteran ang kaniyang armas kasabay ng ipinatutupad na ‘Oplan Katok’ ng pulisya bilang pagtugon sa umiiral na gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Sr. Supt. Alan Manibog, police provincial director sa Davao Del Sur, nakuha kay Rogelio Agliam Pascua ang kaniyang 9-mm pistol na may dalawang magazines at walong bala.

Si Pascua na residente ng Barangay Ibo sa bayan ng Malalag ay isang beterano ng World War II.

Ang armas ni Pascua ay nasa master list ng registered firearms sa munisipalidad.

Samantala, ipinag-utos ni Manibog sa lahat ng pulis sa lalawigan na mahigpit na ipatupad ang gun ban.

TAGS: comelec, Gun ban, Malalag Davao Del Sur, Radyo Inquirer, war veteran, comelec, Gun ban, Malalag Davao Del Sur, Radyo Inquirer, war veteran

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.