Susan Roces, hindi magiging substitute candidate ni Sen. Grace Poe

By Chona Yu November 29, 2015 - 10:57 AM

GRACE-CHIZ / OCTOBER 15, 2015 Sen. Grace Poe and running mate Sen. Francis Escudero file their certificate of candidacy respectively at the COMELEC on Thursday, October 15, 2015. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Mismong si Senador Francis Escudero na ang nagsabing hindi maaring maging substitute ng kanyang ka-tandem na si Senador Grace Poe ang ina nitong si Susan Roces.

Ito ay kung sakaling madiskwalipika si Poe na lumahok sa 2016 presidential election dahil sa pagkwestiyon sa kanyang citizenship.

Ayon kay Escudero, malinaw na nakasaad sa batas na ang mga kandidatong nominado lamang ng isang registered political party ang maaring magkaroon ng substitution.

Sa kaso aniya nila ni Poe, pareho silang kumakandidatong independent.

Maging ang mga kilalang election lawyers na sina Romulo Macalintal at Sixto Brillantes ay sang ayon sa pahayag ni Escudero.

TAGS: 2016 elections, grace poe, 2016 elections, grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.