Santo Niño, South Cotabato niyanig ng M3.5 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo March 11, 2019 - 10:29 AM
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Santo Niño sa lalawigan ng South Cotabato.
Naital ang lindol sa 9 kilometers southeast ng Santo Niño, alas 9:18 ng umaga ng Lunes, March 11.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 11 kilometers.
Dahil sa nasabing lindol ay naitala ang Intensity II sa T’boli, South Cotabato at Intensity I naman sa Kiamba Sarangani.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.