Senado pinagsusumbong ng Kamara kay Pangulong Duterte kaugnay sa isyu ng budget insertions
Malaya ang mga Senador na magsumbong kay pangulong Duterte at ipaalis kung anong bahagi panukalang 2019 national budget ang dapat i-veto kung sa tingin nila ay “constitiutionally infirm at legally flawed” ito.
Ayon kay House Appropriations committee chairman Rolanda Andaya Jr., bakit kailangang i-hostage ang national budget dahil lamang sa walang basehang takot kung ang nais lamang kwestyunin ay dalawang porsiyento ng pambansang pondo at hindi ang 98%.
Sagot ito ni Andaya matapos na sabihin ni Senador Panfilo Lacson nainatasan ni House Speaker Gloria Arroyo ang pag realigned ng P25 milyon mula sa Department of Health para sa mga pinapaborang kongresista.
Sinabi din ni Senate President Tito Sotto III na nag-realign ang Kamara ng P79 bilyon sa ilalim ng niratipikahang 2019 national budget.
Paliwanag naman ng chairman ng Appropriations Committee ang 2019 General Appropriations Act o GAA ay naglalaman ng lump sum funds na kailangan i-itemized ng Mataas at Mababang kapulungan ng kongreso dahi ito ang napagkasunduan nila noong Bicameral Conference Committee.
Para kay Andaya ginawa ng Kamara ang kanilang bahagi at na-itemized na nila ang kanilang amendments kaya ang taumbayan na umano ang magtanong sa Senado kung ginawa nila ang kanilang bahagi.
Nilinaw din ng kongresista a hindi nil a ginalaw ang bilyon bilyong pisong amendments ng Senado na una nilang napagkasunduan sa Bicam dahil trabaho na ito ng mga senador.
Hindi rin anya sila natatakot sa isang budget na malinaw kung saan mga lugar at ahensiya, at kung ano ano ang mga proyekto at mga programa ang popondohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.