Sa ikalimang sunod na linggo ay sasalubong sa mga motorista ang mas mataas na presyo ng gasolina.
Sa abiso ng kumpanyang Petro Gazz at Shell, may dagdag na P0.90 sa bawat litro ng kanilang gasolina.
Good news naman sa mga gumagamit ng diesel at kerosene o gaas dahil walang magiging pagbabago sa presyo ng mga ito.
Ayon sa dalawang kumpanya, epektibo ang dagdag-presyo sa gasolina araw ng Martes, alas-6:00 ng umaga.
Inaasahan namang mag-aanunsyo na rin ng kanilang oil price adjustments ang ibang kumpanya ngayong araw.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng gasolina sa bansa ay nasa P45.25 hanggang P60.89 kada litro; ang diesel ay mula P41.40 hanggang P50.23 bawat litro; at ang gaas ay mula P44.90 hanggang P53.45 kada litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.