Nasamsam ang nasa P2.2 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang operasyon sa Jolo, Sulu.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command, nakuha ang mga smuggled na sigarilyo sa bahay ng isang Dimer Alih.
Maliban sa sigarilyo, nakuha rin ang tatlong motorsiklo na walang papeles at ilang parte ng calibre .45 na baril.
Dinala ang mga nasabat na sigarilyo sa Sulu Police Provincial Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.