15 patay sa pamamaril sa isang Mexico nightclub
Patay ang 15 katao habang sugatan ang tatlong iba pa sa pamamaril sa isang nightclub sa central Mexico.
Naganap ang pag-atake ng mga armadong lalaki sa La Playa club sa Salamanca ilang oras matapos ang working visit ni President Andres Manuel Lopez Obrador sa bahagi ng Guanajuato state.
Ayon sa mga prosecutor, nakatakas ang mga suspek sakay ng kanilang dalang sasakyan.
Sinabi pa ng nakasaksi na nakasuot ng maskara ang mga suspek.
Dahil dito, hindi pa nakikilala ang mga responsable sa pag-atake.
Nagkasa ng operasyon ang mga otoridad laban sa mga criminal gang sa lugar.
Nakiramay naman si Obrador sa mga biktima at sinabing patuloy na ipaglalaban ang kapayapaan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.