TINGNAN: Sitwasyon sa La Mesa dam, base sa aerial shots ng QCDRRMO

By Isa Avendaño-Umali March 10, 2019 - 09:41 AM

 

Ang mababang lebel ng tubig sa La Mesa dam ang itinuturong rason ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Metro Manila at Rizal.

Sa mga aerial pictures ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office o QCDRRMO, kitang-kita na mababang water level sa La Mesa dam.

Ayon sa QCDRRMO, dahil sa dry spell ay nanganganib na bumaba pa ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, na ngayon ay malapit nang bumagsak sa 69-meter critical threshold.

Mula noong March 6, nakaranas ang libu-libong residente sa iba’t ibang siyudad sa Metro Manila at ilang bayan sa Rizal ng limitadong water supply.

Nagpatupad kasi ang Manila Water at Maynilad ng operational adjustments bunsod ng pagbaba ng water level sa La Mesa dam.

Kabilang sa mga apektdong lugar ay Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig at Antipolo, Angono, Binangonan, San Mateo, Rodriguez, Taytay at Jala-jala sa Rizal na pawang nakaranas ng “low pressure to no water” lalo na sa peak demand hours.

Sinabi ng QCDRRMO na kung may katanungan tungkol sa suplay ng tubig ang mga konsumer, tumawag lamang sa Manila Water o Maynilad.

TAGS: la mesa dam, manila water, la mesa dam, manila water

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.