“The Simpsons,” nilaglag ang episode na tampok si Michael Jackson

By Isa Avendaño-Umali March 10, 2019 - 08:11 AM

Nagpasya ang mga producer ng “The Simpsons” na i-pullout na ang isa sa kanilang lumang episode na nagtatampok sa boses ni Michael Jackson.

Batay sa ulat, naging “unanimous” ang desisyon ng producers ng sikat na animated series.

Ito ay kasunod ng pagpapalabas ng documentary ng HBO na “Leaving Neverland” kung saan inungkat ang mga alegasyon ng sexual abuses laban kay Jackson.

Sa kontrobersyal na HBO documentary, dalawang lalaki ang nag-aakusang inabuso sila ni Jackson noong early 1990s.

Sa 1991 episode ng The Simpsons na may titulong “Stark Raving Dad”, kausap ni Homer Simpson ang isang mental hospital patient na nagsabing siya ang popstar na si Jackson.

Ang boses ng karakter ay katono mismo ni Jackson.

Bago naman ang hakbang ng producer ng The Simpsons, mayroon nang mga radio station sa Canada at the Netherlands na inihinto na ang pagpapatugtog ng mga kanta ng “King of Pop.”

 

 

 

TAGS: hbo, Michael Jackson, The Simpsons, hbo, Michael Jackson, The Simpsons

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.