Mga konsumer ng Manila Water, patuloy na makararanas ng service interruption
Patuloy na makararanas ang mga konsumer ng tubig ng service interruption ngayong Linggo (March 10) at sa mga darating na araw.
Kabilang sa affected areas ay Makati, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, Mandaluyong, San Juan at mga bayan sa Rizal.
Narito ang updated na listahan ng Manila Water o mga lugar na apektado ng operational adjustments:
SERVICE ADVISORY: UPDATED affected areas caused by the operational adjustments conducted by Manila Water starting TODAY, March 10, 2019.
Please let us know if you have been experiencing low water pressure or no water supply outside your schedule. Thank you for bearing with us. pic.twitter.com/pvq8HreNx3
— Manila Water (@ManilaWaterPH) March 9, 2019
Ang operational adjustments ng Manila Water ay bunsod pa rin ng pagtuloy ng pagbaba ng water level sa La Mesa dam.
Payo muli ng Manila Water sa mga konsumer, mag-ipon ng sapat na tubig para sa pangangailangan ng buong pamilya sa loob lamang ng isang araw.
Kung may katanungan o reklamo ng kawalan ng suplay ng tubig nang wala sa schedule, maaaring tawagan ang Manila Water sa kanilang hotline na 1627 o kaya nama’y magpadala ng mensahe sa kanilang Facebook page o mag-tweet sa @ManilaWaterPH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.