Balutan, nais ang imbestigasyon sa umanoy kurapsyon laban sa kanya

By Len Montaño March 10, 2019 - 12:47 AM

Naghamon si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan ng “full and impartial investigation” ukol sa alegasyon ng kurapsyon laban sa kanya.

Sa pahayag araw ng Sabado, sinabi ni Balutan na noong maupo siya bilang General Manager noong 2016 ay sinabihan niya ang mga empleyado ng PCSO na magbibitiw siya sa pwesto kapag may nag-utos sa kanya mula sa Office of the President o Kongreso na labag sa kanyang kalooban.

“If there’s an accusation of corruption, I beg a full and impartial investigation. I told all PCSO employees when I assumed as General Manager in 2016 that if somebody from the Office of the President or the Congress asks or orders me to do something which I cannot stomach, I will resign,” pahayag ni Balutan.

Unang sinabi ng Malakanyang na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Balutan dahil umano sa katiwalian, bagay na itinanggi ng dating PCSO GM.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos sabihin ni Florante Solmerin, deputy spokesperson sa tanggapan ni Balutan, na nag-resign ito dahil sa personal na bagay.

Dagdag ni Balutan sa kanyang pahayag, hindi umano niya hiningi ang posisyon. Maaga umano siyang pinag-retiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Marines para tulungan siya sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Balutan, tahimik at naging maayos ang kanyang trabaho.

“I did not ask for this position. President Duterte retired me early from the Marines to help him run his administration. In silence, I did and I excel. I did not ask anything from the President in return. The rest was history. Career for me is just temporary but character is lifetime… even beyond my grave,” ani Balutan.

Matatandaan na lumutang ang pangalan ni Balutan sa Senado noong 2005 kung saan ibinunyag nito kung paano umano dinaya ng mga kaalyado ni dating Pangulong Glora Macapagal-Arroyo ang resulta ng 2004 presidential elections sa Lanao del Sur.

Ang pagkatanggal ni Balutan sa PCSO ay kasunod ng pagbaba ng sales ng ahensya ng mahigit 39.19 percent noong Pebrero.

Noong nakaraang buwan ay kumita ang PCSO ng P1.58 bilyon na mas mababa kumpaara sa P2.61 bilyon sa parehong panahon noong 2018.

TAGS: Alexander Balutan, General Manager, imbestigasyon, kurapsyon, nagbitiw, pcso, sinibak, Alexander Balutan, General Manager, imbestigasyon, kurapsyon, nagbitiw, pcso, sinibak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.