Kasabay ng puspusang rehabilitasyon sa Manila Bay, inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bike patrol na tatawaging Manila Bay Watch.
Sinabi ni DENR-NCR Executive director Jacquelyn Caanan ang anim na tauhan nila ang magbabantay sa kahabaan ng Baywalk mula sa Manila Yacht Club hanggang sa U.S. Embassy.
Bahagi ng tungkulin ng bike patrol na tiyaking hindi nalalabag ang ordinansa ng lungsod laban sa pagtatapon ng basura at paliligo sa Manila Bay.
Ang paglalagay ng Manila Bay Watch ang unang programa ng DENR-NCR West Field office at bahagi ng Manila Bay rehabilitation program.
Ang mga bike patroller din ang magiging sumbungan ng mga tao sa anumang reklamo lalo’t may kinalaman sa paglilinis ng lawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.