Ilang lugar sa Metro Manila at Rizal mawawalan ng suplay ng tubig
Makararanas ng water interruption ang mga lugar na sineserbisyuhan ng Manila Water.
Sa anunsyo ng Manila Water sa kanilang Facebook account, mawawalan ng serbisyo ng tubig ang ilang mga lugar sa Metro Manila at Rizal.
Ayon sa Manila Water bahagi ito ng kanilang operational adjustment sanhi ng pagbaba ng water level sa La Mesa Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig ng kompanya.
Bukod sa kawalan ng tubig, makararanas din ng mahinang supply ang maraming lugar partikular East Zone ng Metro Manila.
Hindi naman sinabi ng kompanya kung kailan mararanas ang nasabing water interruption.
Naunang naglabas ng paalala ang Manila Water na apektado ng paghina ng supply ng tubig ang Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig, Mandaluyong, at San Juan City.
Maaapektuhan din ang supply ng tubig sa Antipolo, Angono, Binangonan, San Mateo, Rodriguez, Taytay, at Jalajala sa Rizal.
Kahapon ay sinabi ng Pagasa na umabot na sa pinaka-mababang lebel ang antas ng tubig sa La Mesa Dam na 69.32 meters lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.