DMCI at Marubeni winning contractor sa LRT-2 extension project

By Den Macaranas March 09, 2019 - 08:39 AM

Inquirer file photo

Nasungkit ng construction firm na DM Consunji Inc. at ng kanilang partner na Marubeni Corp. ang kontrata para sa East extension project ng Light Rail Transit Line 2.

Sa kanilang disclosure report sa Philippine Stock Exchange, sinabi ng DMCI na na ini-award sa kanila ng Department of Transportation (DOTr) ang ang pagtatayo ng dalawang istasyon para sa apat na kilometrong extension ng LRT 2.

Kabilang rin dito ang electrical at mechanical package para sa nasabing proyekto.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng $62 Million o P3.2 Billion.

Laman rin ng disclosure report na ang Marubeni ang tatayong consortium leader at siyang mangangasiwa sa electrical at mechanical railways system.

Ang DMCI naman ang siyang gagawa ng train station at iba pang pasilidad.

Ang dalawang istasyon ay tatawaging Emerald at Masinag.

TAGS: disclosure report, dotr, LRT 2, philippine stock exchange, disclosure report, dotr, LRT 2, philippine stock exchange

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.