Daan-daang libo nagprotesta para ihinto na ang pamumuno ni Algerian President Bouteflika

By Rhommel Balasbas March 09, 2019 - 06:33 AM

Halos hindi mahulugang karayom ang mga kalye sa Algiers, Algeria dahil sa dami ng taong nananawagang mahinto na ang dalawang dekadang pamumuno ni President Abdelaziz Bouteflika.

Ito na ang ikatlo at sinasabing pinakamalaking Friday protest laban sa presidente.

Ayon sa isang police official, tinatayang nasa 500,000 ang dumalo sa mga demonstrasyon kahapon.

Kinukwestyon ng mga mamamayan ang kakayahan ni Bouteflika na tumakbo para sa ikalimang termino sa eleksyon na magaganap sa susunod na buwan.

Hawak ng presidente ang posisyon mula pa taong 1999 ngunit hindi ito nakikita ng publiko matapos ma-stroke noong 2013.

Mapayapa ang isinasagawang protesta ng mga mamamayan kung saan may placards ng kanilang mga mensahe, performances at pagwawagayway ng Algerian flags.

Nagpakawala naman ng tear gas ang mga pulis sa mga demonstrador na nagbabalak na makalapit sa presidential palace.

Bukod sa Algiers na capital city, nagsagawa rin ng simultaneous protests sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sonuportahan ng higit 15 opposition parties at unions.

TAGS: Algeria, nationwide protests, President Abdelaziz Bouteflika, Algeria, nationwide protests, President Abdelaziz Bouteflika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.