DOH: ‘4s’ strategy dapat gawin para makaiwas sa dengue
Nanawagan si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na isagawa ang ‘4s’ strategy upang labanan ang sakit na dengue.
Ang pahayag ng kalihim ay matapos ilabas ang datos na umabot na sa 36,664 ang bilang ng dengue cases sa bansa sa unang dalawang buwan ng taon kumpara sa 21,961 ng kaparehong panahon taong 2018.
Ang 4s campaign ay tumutukoy sa:
- Search and destroy mosquito breeding sites
- Secure self-protection measures (tulad ng paggamit ng mosquito repellent at pagsusuot ng mahahabang pantalon at manggas)
- Seek early consultation
- at Support fogging/spraying (lalo na sa mga lugar na tumaas ang kaso ng dengue)
Iginiit ni Duque na ang unang hakbang para makaiwas sa mga sakit na dulot ng lamok ay nagsisimula sa mga bahay.
Mahalaga anya na alisin at linisin ang mga bagay na mayroong stagnant water na posibleng pamugaran ng lamok.
Umabot na sa 140 ang nasawi dahil sa dengue hanggang noong February 23.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.