Duterte: Mga lupa ng gobyerno, ipamahagi na sa land reform beneficiaries

By Len Montaño March 09, 2019 - 02:08 AM

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi na ang mga lupa ng gobyerno, kabilang ang mga nasa bundok, sa mga beneficiaries ng agrarian reform.

Sa kanyang talumpati sa Balay Kauswagan sa Sagay City, Negros Occidental, sinabi ng Pangulo na nais niyang sa loob ng natitirang 3 taon ng kanyang termino ay ma-distribute na ang mga lupa sa mga beneficiaries.

“I told [DAR Secretary John] Castriciones to give it to the people, including land located in the mountains…CARP [Comprehensive Agrarian Reform Program], it is the law and I will implement the law,” ayon sa Pangulo.

Ayon sa Pangulo, mabagal ang distribusyon ng mga lupa na nasa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) dahil may mga tao na ayaw ibigay ang kanilang mga lupa.

Nangako naman si Duterte sa mga agrarian reform beneficiaries na tumanggap ng kanilang Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na magkakaroon ang mga ito ng fertilizer at support service.

Bibigyan din ng Pangulo ang bawat isang beneficiary ng cellphone para makapagreklamo ang mga ito kapag hindi natupad ang kanyang mga pangako.

Mula ng ipatupad ang CARP noong 1988, nakapag-bahagi na ang gobyerno ng 5 milyong ektarya sa tatlong milyong magsasaka.

Nakatakda namang ipamahagi ng DAR ang 300,000 hanggang 400,000 na bahagi ng lupa ng gobyerno sa buong bansa. (Len)

 

TAGS: agrarian reform, beneficiaries, CARP, DAR, land reform, lupa ng gobyeno, Rodrigo Duterte, Secretary John Castriciones, agrarian reform, beneficiaries, CARP, DAR, land reform, lupa ng gobyeno, Rodrigo Duterte, Secretary John Castriciones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.