Panukala para swelduhan ang mga housewife isinusulong sa Kamara
Isinusulong sa Kamara ang panukala na mabigyan ng sahod ang mga tinaguriang housewife.
Sa House Bill 8875 na inihain ni Albay Rep. Joey Salceda, dalawang libong pisong monthly compensation ang matatanggap ng mga nanay na may isang anak na labindalawang taong gulang pababa at dumaranas ng kahirapan.
Layon ng panukala na kilalanin ang ambag ng mga housewife sa ekonomiya ng bansa.
Inaatasan ng panukala ang Department of Social Welfare and Development na tukuyin ang mga beneficiaries at bumuo ng mekanismo para sa buwanang sahod ng mga ina.
Aabot sa P35 billion ang gagastusin para sa social protection assistance program kung saan ang P32 billion ay ilalaan sa mga babaeng kasal at ang nalalabing P3 billion ay para sa mga single mother o biyuda.
Base sa datos noong January 2018 ay umabot sa 11.2 million ang bilang ng kababaihan na wala sa labor force at nananatili lamang sa bahay para alagaan ang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.