Bayad Center tumatanggap na ng bayad para sa bagong violation code sa illegal parking at obstruction

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 12:14 PM

Matapos ipatupad ang pagtaaas ng bayarin para sa illegal parking at obstruction, tinatanggap na rin ng Bayad Center ang bayarin para dito.

Ito ang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa abiso ng MMDA, tinatanggap na ng Bayad Center ang bayad para sa bagong violation code sa illegal parking at obstruction violations.

Kasabay nito, sinabi ng MMDA na naipadala na nila sa Land Transportation Office (LTO) ang updated na listahan ng mga motor vehicle plate numbers na merong hindi pa nase-settle o hindi pa nababayarang traffic violations.

Ito ay upang maisama ang nasabing mga plate number sa alarm list ng LTO.

TAGS: bayad center, illegal parking, Metro Manila, mmda, obstruction, traffic violations, bayad center, illegal parking, Metro Manila, mmda, obstruction, traffic violations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.