Dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo namumuro muli sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo March 08, 2019 - 11:26 AM

Nakaamba na naman sa susunod na linggo ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa abiso ng kumpanyang Jetti Petroleum, sa kanilang pagtaya makalipas ang ilang araw na trading, maaring magkaroon ng karampot na rollback sa presyo ng diesel at dagdag naman sa presyo ng gasolina.

Sa ngayon sinabi ng Jetti na P0.05 hanggang P0.10 kada litro ang nakikita nilang rollback sa presyo ng diesel.

Habang P0.80 hanggang P0.85 naman sa kada litro ng gasolina ang inaasahang pagtaas.

Ang halaga ng price adjustment ay dedepende pa sa naging resulta ng trading kahapon at magiging resulta ngayong araw.

TAGS: BUsiness, oil price hike, oil price rollback, Radyo Inquirer, BUsiness, oil price hike, oil price rollback, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.