Stalker ni Taylor Swift inaresto matapos muling looban ang bahay ng singer

By Dona Dominguez-Cargullo, Liberty Alcanar - Radyo Inquirer intern March 08, 2019 - 10:59 AM

Muling naaresto ang lalaking pinaniniwalaang stalker ni Taylor swift.

Ito ay matapos muli nitong looban ang bahay ng singer sa Manhattan.

Ang suspek ay kinilalang si Roger Alvarado, 23 anyos at residente ng Homestead, Florida.

Base sa imbestigasyon binasag umano ni Alvarado ang bintana ng bahay at nakapasok sa loft bandang 2:45 ng madaling araw.

Wala naman si Swift sa kanyang bahay ng mangyari ang insidente.

Ayon sa mga pulis, si Alvarado ay kasalukuyang nakakulong at kinasuhan ng pangloloob at criminal contempt.

Noong namang Abril 2018, pinasok din ni Alvarado ang apartment ni Swift gamit ang hagdan.

Naglabas ng restraining order ang judge laban kay Alvarado noong Disyembre at umamin itong guilty.

Arestado din siya noong Pebrero 2018 dahil sa tangkang pagsira sa pinto ng bahay ni Swift.

TAGS: Manhattan, Radyo Inquirer, Roger Alvardo, Taylor Swift, Manhattan, Radyo Inquirer, Roger Alvardo, Taylor Swift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.