DOE walang ‘B’ sa shutdown ng mga power plants ngayong tag-init – Zarate
Binatikos ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Department of Energy dahil sa kawalan nito ng aksyon sa shutdown ng ilang mga power plants ngayong panahon ng tag-init kung saan mataas ang demand sa kuryente.
Ayon kay Zarate, hindi pa rin natututo ang DOE sa nangyari noong 2013 at 2017 kung saan nagkaroon ng shutdown ang ilang mga power plants na nagdulot ng pagtaas sa singil sa kuryente.
Malinaw na legalized extortion anya ang nagyayari tuwing panahon ng tag-init kung saan wala namang magawa ang mga consumers.
Iginiit nito na nagsa-sabay-sabay ang pag shutdown ng mga planta ng kuryente pero wala namang ginagawa ang DOE.
Noong Martes at kahapon araw ng Huwebes muling inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines sa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.