P0.09/kwh na taas-singil ng inanunsyo ng Meralco
Muli na namang magpapatupad ng pagtaas sa singil ang Manila Electric Company o Meralco.
Ayon sa Meralco, P0.09 kada kilowatt hour ang itataas sa bill.
Dahil dito, ang kumukunsumo ng 200kwh ay may dagdag na P18 sa kanilang bayarin, P26 naman kung 300kwh ang ginagamit habang P36 na dagdag sa bill ng mga kumukunsumo ng 400kwh at karagdagang P45 sa mga gumagamit ng 500 kwh kada buwan.
Dapat sana ay bababa ang generation charge pero tapos na ang refund sa mga consumer sa sobra nitong nakolekta dahil sa Universal Charge-Stranded Contract Costs na P0.38 kwh.
Mararamdaman ang taas-singil sa March bill.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.