Higit P3M halaga ng shabu, nakumpiska sa lalaki sa Maynila

By Len Montaño March 07, 2019 - 02:55 AM

File photo

Arestado ang isang 27 anyos na suspek matapos makuhanan ng mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation sa isang hotel sa Ermita, Manila araw ng Miyerkules.

Nahuli ang lalaki matapos ang transaksyon sa ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpaggap na buyer.

Nasamsam sa suspek ang 10 pakete ng shabu na tinatayang kalahating kilo ang bigat.

Ayon sa suspek, nautusan lamang siya na magbenta ng droga.

Kumagat lamang umano ang lalaki sa pagtutulak ng droga dahil sa kawalan ng trabaho.

Iniimbestigahan ng PDEA ang kasabwat ng suspek.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 10 pakete, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Ermita, hotel, manila, nautusan, P3 milyon, PDEA, shabu, walang trabaho, 10 pakete, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Ermita, hotel, manila, nautusan, P3 milyon, PDEA, shabu, walang trabaho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.