Duterte, suportado ang ginawa ni Eleazar sa pulis na nangotong

By Chona Yu March 06, 2019 - 10:52 PM

Credit: Marikina PNP

Police Major General Guillermo Eleazar na ngayon ay binabatikos matapos duruin at umanoy saktan ang isang pulis na nahuli sa pangongotong.

Sa kanyang talumpati sa unang anibersaryo ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), sinabi ng Pangulo na okay sa kanya ang ginawa ni Eleazar.

Giit ng Pangulo, bagamat may magagaling na mga pulis, may ilan pa rin aniyang mga bugok sa kanilang hanay.

“Ilan na lang natitira na puro matitino na? Kaya itong pulis, everyday there’s always an idiot. Nahuhuli. Yung isa was being —- ano ni Eleazar. He was criticized for that,” ani Duterte.

Tiniyak pa ng Pangulo na sagot niya si Eleazar.

“Sir, sabihin mo kay Eleazar, okay yun. Eh ano ba naman yung ganun-ganon? Sumasayaw nga sila ng tao. Sabihin mo I have his back covered,” dagdag ng Pangulo.

Hindi napigilan ni Eleazar ang kanyang galit kay Police Corporal Marlo Siblao Quibete ng District Drug Enforcement Unit sa Pasig City na inireklamo ng pangongotong ng naarestong drug suspect.

Bukod sa perang kinuha ng pulis na nasa P60,000 ay kinuha rin nito ang gintong kwintas, motorsiko at pilit na pinapirmahan ang deed of sale sa suspek.

TAGS: ipinagtanggol, nangotong, NCRPO, pacc, Police Corporal Marlo Siblao Quibete, Police Major General Guillermo Eleazar, Presidential Anti-Corruption Commission, Pulis, Rodrigo Duterte, sagot, ipinagtanggol, nangotong, NCRPO, pacc, Police Corporal Marlo Siblao Quibete, Police Major General Guillermo Eleazar, Presidential Anti-Corruption Commission, Pulis, Rodrigo Duterte, sagot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.