Mga container van isasakay na rin sa mga tren ng PNR

By Chona Yu March 06, 2019 - 04:51 PM

Inquirer file photo

Pina-plantsa na ngayon ng Philippine National Railways (PNR) ang proposal para ibyahe sa pamamagitan ng tren ang mga cargo o container van na karaniwang isinasakay sa mga malalaking trak.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni PNR General Manager Jun Magno na aprubado na ng PNR board ang nasabing panukala.

Pero sa bagong alignment ayon kay Magno, target na maging ruta ng mga ibabayaheng cargo ang North to South port.

Dati na aniyang may ganitong uri ng pagbibiyahe ng mga cargo mula 1998 hanggang 2004 ngunit mula Manila International Container Terminal lamang o MICT sa Port Area sa Maynila hanggang Laguna.

Sa sandaling maaprubahan ang panukala, sinabi ni Magno na tiyak na magkakaroon ng malaking kaluwagan sa trapiko dahil mababawas sa mga daan ang mga bumibiyaheng trak na may bitbit na container van.

TAGS: container vans, jun magno, Metro Manila, pier, PNR, port area, traffic, container vans, jun magno, Metro Manila, pier, PNR, port area, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.