Nagbitiw sa kanyang pwesto bilang president at chief executive officer ng Social Security System si Emmanuel Dooc.
Ipinaliwanag ni Dooc na siya ay bumaba sa pwesto dahil sa nag-expire na ang kanyang termino bilang pinuno ng SSS.
Sinabi ni Dooc na ang kanyang appointment ay nakabase pa sa lumang Social Security law at ito ay nagtapos na.
Ito umano ang dahilan kaya siya naghain ng kanyang irrovocable resignation kasabay ng pagpapasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang kanyang pagbaba sa posisyon ay para bigyang laya ang pangulo sa pagpili ng susunod na pinuno ng SSS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.