NUJP, iginiit sa AFP na hindi nila sinusuportahan ang mga rebelde
Ikinakabahala ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-turing ng militar sa mga mamamahayag bilang taga-suporta ng mga rebelde.
Sa inilabas na pahayag ng NUJP kaugnay dito, nanawagan sila sa mga kasapi ng militar na itigil na ang pag-aakusa sa mga mamamahayag na kakampi ng mga komunistang rebelde.
Ito’y kasunod ng parehong panawagan ni Army 8th Infantry Division assistant commander Lt. Gen. Remy Tejeras sa kaniyang mga kasamahan sa militar.
Nakasaad din sa pahayag ng NUJP na nag-aalala sila na baka dahil sa ganitong pananaw ng mga militar sa kanilang mga mamamahayag ay patuloy silang targetin ng mga surveillance operations at iba pang maaaring maglagay sa kanila sa kapahamakan.
Anila ang nasabing panghuhusga anila sa mga journalists, kasabay ng mga hindi matapos-tapos na pag-patay sa mga kasapi ng media ay naglalagay sa kanilang mga buhay sa alanganin.
Hindi na rin naman bagong kaganapan ang hindi magandang pananaw ng mga pwersa ng gobyerno sa mga taga-media dahil kamakailan lamang ay inakusahan din ang dati nilang chairperson na si Inday Espino-Verona ng pagiging kasangga ng mga rebelde.
Inalala din nila ang pagkakataong sila, kasama ng Philippine Center for Investigative Journalism at Catholic Bishops’ Conference ay tinawag ng military intelligence na mga kalaban ng estado.
Iginiit nila na walang lugar sa bansa ang ganitong gawain ng mga militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.