Patuloy ang pag-iral ng hanging Amihan sa Luzon at Visayas pero hindi na nararamdam ang lamig na dulot nito sa western sections ng naturang mga lugar.
Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, humihina na ang ihip ng Amihan.
Apektado naman ngayong araw ng Easterlies ang Mindanao.
Makarararanas ng maalinsangang panahon sa buong Luzon at Visayas ngunit may posibilidad ng mahihinang pag-ulan sa Eastern Visayas.
Mainit naman ang panahon sa buong Mindanao ngunit makararanas ng pulo-pulong dagliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Caraga Region.
Ligtas na makapaglalayag ngayong araw ang mga mangingisda saan mang baybaying dagat ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.