Lacson: Aprubadong 2019 budget muling sisilipin sa Senado dahil sa pork
Sinabi ni Senator Ping Lacson na kapag natapos na ang Kamara sa pagbusisi sa ipinasang 2019 national budget ay susuriin din ito muli sa Senado.
Ayon kay Lacson ito ay para malaman kung may ginawang pag-maniobra ang mga taga-Kamara sa pambansang pondo para sa kanilang kanya-kanyang interes.
Ibinahagi ni Lacson na si Sen. Loren Legarda, chairperson ng Senate Committee on Finance, ang nagsabi na mismo kay Senate President Tito Sotto III na kapag may binago sa listahan sa 2019 national budget, hihilingin niya na magpulong ang lahat ng mga senador.
Pagdidiin ni Lacson hindi nila papayagan sa Senado ang mga magiging pagbabago sa bicameral reports ukol sa pambansang budget ngayon taon.
Gusto rin ni Lacson na kapag may nadiskubreng pork barrel insertions ay maparusahan ng Korte Suprema ang gumawa dahil may desisyon na ang Supreme Court na ilegal ang pork barrel.
Una nang ibinunyag ni Lacson na kayat nagtatagal sa Kamara ang bicameral reports ay dahil hinihintay pa ang isusumiteng proyekto ng mga kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.