EO sa pagsuko ng mga armas ng MILF pirmado na ni Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order para sa implementation of the annex on the normalization sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ginawa ng pangulo ang pag-apruba sa cabinet meeting kagabi matapos ang pagpresenta ng proposal ni Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unification Sec. Carlito Galvez Jr.
Sa ilalim ng EO ay sisimulan na ng MILF ang decommissioning ang pagsuko ng armas ng armed wing ng grupo sa gobyerno.
Ilalatag na rin ang mga hakbang para sa pagdurog sa mga private armed group na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nakasaad din sa executive order ang pagpapaigting sa rehabilitasyon, reconstruction at development ng Bangsamoro region.
Sinabi ni Panelo na laman ng mga naunang kasunduan ang mga nakatakda sa EO na bahagi ng pagpapalakas sa itatalagang BARMM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.