Pag-aresto sa tatlong Imam sa Cagayan pinaiimbestihan na ng NCMF
Nagpahayag ng pagkundena ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) sa sinasabing unlawful arrest sa tatlong Imam sa Tuguegarao, Cagayan.
Ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, nagpalabas na siya ng kautusan sa NCMF North Luzon at sa kanilang legal department upang alamin ang totoong nangyari at ayudahan sina Habib Sirad Ditingcopen, Noraldin Bantuas Lucman at Mossanip Madaya.
Sinabi ni Pangarungan na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanilang legal team kaugnay sa illegal arrest at frame-up sa tatlong Imam.
Ipinag-utos din nito sa kanilang legal team na sampahan ng kaukulang reklamo sa Ombudsman ang mapapatunayang responsable sa ilegal na pag-aresto sa tatlong lider ng kanilang simbahan.
Tiniyak din ng kalihim ang ayuda at tulong ng NCMF sa tatlo habang gumugulong ang kanilang kaso sa husgado.
Kapag napatunayan naman anya na may kasalanan ang mga ito ay kailangang managot sa batas.
Ang tatlo ay sinasabing inaresto dahil sa kaso may kaugnayan sa iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.