Pagbaba ng inflation para sa buwan ng Pebrero ikinatuwa ng Malakanyang
Inaasahan na ng Palasyo ng Malakanyang ang pagbagal ng inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa buwan ng Pebrero.
Tugon ito ng Palasyo matapos ihayag ng Philippine Statistics Authority na pumalo sa 3.8 percent ang inflation para sa Pebrero 2019.
Mas mababa kumpara sa 4.4 percent na naitala noong Enero.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, welcome development sa Palasyo ang naturang ulat ng PSA.
Ayon pa kay Panelo, patunay at salamin ito na epektibo ang mga polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa macro economics para mapigilan o maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Umaasa aniya ang Palasyo na patuloy pang bubulusok ang inflation sa mga susunod na buwan.
Lalo aniyang paiigtingin ng gobyerno ang pagbabantay at pagmomonitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin na karaniwang kinukunsumo ng mga ordinaryong Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.