Apat na barangay sa Makati City idineklarang drug free
Siyam na sa 33 barangay sa lungsod ng Makati ang itinuturing ng drug free.
Ito ay matapos ideklara na drug free na rin ang mga barangay ng Sta. Cruz, Dasmarinas, Southside at Pinagkaisahan.
Ang pagdeklara na drug free sa barangay ay base sa mga pamantayan ng local anti-drug council sa pakikipagtulungan na rin sa lokal na pulisya.
Kabilang sa pamantayan an pagkakaroon ng aktibong intelligence network ng barangay, aktibong barangay anti drug council, ang regular reporting ng drug surenderees na sumailalim na sa rehabilitasyon at kawalan ng drug laboratory o drug dens.
Sinabi ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng pulisya ng lungsod, na hiniling niya sa mga barangay officials na makipag ugnayan sa kanila at sa iba pang kinauukulang ahensiya para matuldukan ang problema sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.