NGCP itinaas ang yellow alert sa Luzon dahil sa manipis na reserba ng kuryente
Itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon Grid.
Ito ay sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon bunsod ng hindi inaasahang shutdown at limitadong generation ng ilang power plants.
Iiral ang yellow alert ngayong araw Mar. 5 mula 11:00AM hanggang 5:00PM at mamayang 7:00PM hanggang 9:00PM
Sa ngayon ayon sa NGCP, ang available capacity para sa Luzon Grid ay 10,115 megawatts at mayroong peak demand na 9,491 megawatts.
Nangangahulugan ito na mayroon lamang 625 megawatts na reserba ng kuryente sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.