Pitong Filipino seafarers inabswelto sa kasong fuel smuggling sa Libya
Pinawalang sala ng Libyan high Court ang pitong Filipino Seafarers na nauna nang sinintensyahang makulong ng apat na taon dahil sa fuel smuggling.
Ang pag-abswelto sa mga Pinoy ay inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon sa DFA, ipinag-utos na ng Libyan High Court ang pagpapalaya sa pitong Pinoy na crew members ng M/T Levante.
Natanggap na rin ng embahada ng Pilipinas sa Tripoli ang kopya ng desisyon ng korte at nakikipag-ugnayan na ito sa libyan authorities para sa repatriation ng mga Pinoy.
Ang pito ay kabilang sa 20 Filipinos na inaresto ng Libyan Coast Guard matapos maharang ang sinasakyan nilang Liberian-flagged tanker.
Isinailalim sila sa imbestigasyon at ikinulong dahil sa umano ay pagkakasangkot sa economic sabotage bunsod ng tangkang pagpuslit mg anim na milyong litro ng langis.
13 sa kanila ay napalaya na noong February 2018 pero ang pito ay hinatulang guilty ng mababang korte.
Nagpasalamat naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa naging pasya ng mataas na hukuman sa Libya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.