5 patay sa dengue sa Bicol Region

By Angellic Jordan March 04, 2019 - 10:59 PM

Patay ang lima katao sa Bicol region dahil sa sakit ng Dengue, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa kagawaran, ito ay naitala mula January 1 hanggang March 2, 2019.

Sa limang kaso, tatlo rin ay mula sa probinsya ng Camarines Sur habang dalawa naman sa Sorsogon.

Base sa monitoring ng DOH, umabot na sa 756 ang bilang ng kaso ng Dengue sa Bicol sa pagsisimula ng taon.

Ayon kay DOH Bicol vector-borne diseases program manager Cecil Pan, tumaas ito nang 43 porsyento mula sa nakaraang taon.

Lumabas sa datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit na karamihan dito ay naitala sa Camarines Sur na may 425.

Sumunod dito ang Sorsogon na may 110 kaso at ikatlo ang Albay na may 88 kaso.

TAGS: Bicol Region, Cecil Pan, Dengue, doh, Health, patay sa dengue, Regional Epidemiology Surveillance Unit, Bicol Region, Cecil Pan, Dengue, doh, Health, patay sa dengue, Regional Epidemiology Surveillance Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.