DOJ nagpaliwanag kung bakit isinama sa pinakakasuhan sa isyu ng Dengvaxia ang mga opisyal ng FDA

By Ricky Brozas March 04, 2019 - 08:04 AM

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) panel of prosecutors ang naging partisipasyon ng mga opisyal ng FDA o Food and Drug Administration sa iregularidad kaugnay ng Dengvaxia anti-dengue vaccination program.

Tinukoy ng panel ang ginawang pag-apruba ng FDA sa registration ng Dengvaxia sa kabila nang hindi pa nakukumpleto ang clinical trials sa bakuna.

Ayon sa panel, dalawa ang parallel clinical trials sa Dengvaxia sa limang bansa sa Asya, at ang una at ikalawang ang clinical trials ay makukumpleto pa lamang noong November 2017 at April 2018.

Anila, January 2015 nagsumite ng aplikasyon sa FDA ang Sanofi Pasteur at December ng kaparehong taon ay inaprubahan ng FDA ang marketing ng Dengvaxia kasabay ng pag-iisyu ng product registration.

Lumalabas din na ang purchase request sa Dengvaxia vaccine ay ginawa noong January 2016 at ang aktwal na pagbili ay ginawa agad noong March 2016.

Si dating Health Sec. Janette Garin at dalawang opisyal ng Food and Drug Administration ay kasama sa mga inirekomenda ng DOJ na kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide dahil sa anti-dengue vaccination program irregularity.

TAGS: dengvaxia mess, department of justice, Food and Drug Administration, dengvaxia mess, department of justice, Food and Drug Administration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.